Mga gumaling sa COVID-19 sa Baguio, halos 1,000 na

Umabot sa 34 residente sa Baguio City ang nagpositibo pa sa COVID-19.

Batay sa Baguio City COVID-19 monitoring hanggang 5:00, Miyerkules ng hapon (October 14), umabot na sa 1,488 ang kabuuang bilang ng kaso ng nakakahawang sakit sa lugar.

Sa nasabing bilang, 475 ang aktibo pang kaso.

54 naman ang bagong gumaling sa COVID-19.

Bunsod nito, 996 na ang total recoveries sa Baguio City habang 17 pa rin ang death toll.

Samantala, sa suspected cases, nasa 4,258 ang aktibo habang 3,092 ang naka-recover.

Patuloy namang nakasailalim sa 14-day quarantine ang 12,443 na residente habang 19,199 ang nakatapos na.

Read more...