Kaso ng COVID-19 sa Western Visayas, sumampa na sa 14,000

Nagpositibo ang 153 pang pasyente sa COVID-19 sa bahagi ng Western Visayas.

Ayon sa Department of Health Western Visayas Center for Health Development hanggang October 14, umakyat na sa 14,077 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

3,167 sa nasabing bilang ang aktibong kaso ng nakakahawang sakit.

Sinabi nito na 75.97 porsyento ng mga kaso ng COVID-19 ay asymptomatic o walang nararanasang sintomas.

157 naman ang gumaling pa kaya 10,568 na ang total recoveries sa Western Visayas.

Umabot naman sa 342 ang bilang ng nasawi sa rehiyon dahil sa nakakahawang sakit.

Read more...