COVID-19 recoveries sa hanay ng PNP, nasa 5,858 na

Aabot sa 29 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Miyerkules ng gabi (October 14), 6,527 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 649 ang aktibo pang kaso.

130 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 5,858 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Walang pulis ang napaulat na nasawi dahil sa COVID-19.

Bunsod nito. 20 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...