Sa huling datos hanggang 6:00, Miyerkules ng gabi (October 14), umakyat na sa kabuuang 5,026 ang mga tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.
Sa nasabing bilang, 115 ang aktibong kaso o katumbas ng 2.3 porsyento.
20 naman ang gumaling pang residente sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, 4,767 na ang total recoveries o 94.8 porsyento ng kabuuang naitalang kaso sa lungsod.
Nanatili muli sa 144 ang pumanaw o 2.9 porsyento.
MOST READ
LATEST STORIES