#OfelPH, nasa Marinduque-Romblon area na; Patungo na sa Oriental Mindoro

Napanatili ang lakas ng Tropical Depression Ofel, ayon sa PAGASA.

Sa severe weather bulletin bandang 8:00 ng gabi, huling namataan ang bagyo sa layong 35 kilometers Hilagang bahagi ng Romblon, Romblon dakong 4:00 ng hapon.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 55 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo sa direksyong pa-Kanluran sa bilis na 15 kilometers per hour.

Bunsod nito, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 sa mga sumusunod na lugar:
– Batangas
– Southern portion ng Laguna (Luisiana, Majayjay, Liliw, Nagcarlan, Rizal, San Pablo City, Calauan, Alaminos, Los Baños, Bay, Magdalena)
– Central at southern portion ng Quezon (Guinayangan, Tagkawayan, Buenavista, San Narciso, San Andres, Mulanay, San Francisco, Catanauan, Lopez, Calauag, Quezon, Alabat, Perez, Atimonan, Tayabas City, Mauban, Sampaloc, Lucban, Gumaca, General Luna, Macalelon, Pitogo, Unisan, Plaridel, Padre Burgos, Agdangan, Pagbilao, Lucena City, Sariaya, Candelaria, Dolores, Tiaong, San Antonio)
– Calamian Islands
– Occidental Mindoro
– Oriental Mindoro
– Marinduque
– Romblon
– Camarines Norte
– Camarines Sur
– Albay
– Burias Island

Ayon sa PAGASA, inaasahang magla-landfall ang bagyo sa Oriental Mindoro, Miyerkules ng gabi (October 14), o Huwebes ng madaling-araw (October 15).

Posibleng umabot na ang bagyo sa West Philippine Sea, Huwebes ng umaga at lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Biyernes ng umaga o hapon (October 16).

Sa araw ng Miyerkules hanggang Huwebes ng hapon, katamtaman hanggang mabigat na kung minsan ay intense rains ang iiral sa CALABARZON, Camarines Norte, Marinduque, Romblon, at Mindoro Provinces.

Mahina hanggang sa katamtaman na kung minsan ay mabigat na buhos ng ulan ang mararanasan sa Central Luzon, Visayas, Mindanao, Metro Manila, Palawan, Cagayan, Isabela, at nalalabing bahagi ng Bicol Region dulot ng bagyo at Southwest Monsoon o Habagat.

Matatandaang nag-landfall ang bagyo sa Can-avid, Eastern Samar dakong 2:30 ng madaling-araw; Matnog, Sorsogon bandang 6:00 ng umaga; at Burias Island, Masbate dakong 12:00 ng tanghali.

Read more...