Orange rainfall warning, nakataas pa rin sa Quezon, Laguna at Batangas

Patuloy na nakararanas ng malakas na pag-ulan ang ilang lalawigan sa Luzon.

Sa abiso ng PAGASA bandang 8:00 ng gabi, ito ay bunsod ng Tropical Depression Ofel.

Nakataas ang orange warning sa Quezon, Laguna at Batangas.

Itinaas naman ang yellow warning sa Metro Manila, Bataan, Cavite, Rizal at Bulacan.

Maliban dito, nagbabala ang weather bureau na asahan ang mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa Tarlac at Nueva Ecija susunod na tatlong oras.

Light to moderate na may occasional heavy rains naman ang iiral sa Pampanga at Zambales sa susunod na tatlong oras.

Nagbabala ang weather bureau sa posibleng pagbaha sa mabababang bahagi at pagguho ng lupa sa mga mabubundok na bahagi ng mga nasabing lugar.

Inabisuhan ang publiko at disaster risk reduction and management council na maging alerto at tutukan ang pinakahuling lagay ng panahon.

Read more...