Konstruksyon ng Bislig-Bunawan Road sa Surigao del Sur at Agusan del Sur, tuloy pa rin

DPWH PHOTO

Tuloy pa rin ang pagsasagawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Phase 2 ng Bislig-Bunawan Road sa Surigao del Sur section.

Ayon sa kagawaran, nasa 90.1 porsyento na ang accomplishment rate ng naturang proyekto.

Sinabi ni DPWH Secretary Mark Villar na malaking tulong ang road network para sa socio-economic development ng CARAGA Region sa pamamagitan ng pagkonekta ng Surigao Del Sur at Agusan del Sur.

Kabilang din sa proyekto ang pagsasagawa ng 44.2-kilometer 2-lane concrete road na mayroong road safety facilities.

Sa total allocation na P100 milyon, nasimulan ang first phase ng proyekto taong 2019 at natapos noong March 2020.

Patuloy ang pagsasagawa ng karagdagang 1.54 kilometers na inaasahang makukumpleto sa buwan ng Nobyembre.

Oras na makumpleto ang proyekto, magsisilbing alternatibong ruta ang Bislig-Bunawan Road mula Bislig, Surigao Del Sur patungo sa munisipalidad ng Bunawan, Agusan Del Sur.

Mula sa dating tatlong oras na biyahe, magiging 1 oras at 30 minuto na lamang ang biyahe.

Inaasahang magbibigay din ang proyekto ng economic opportunities sa pagitan ng dalawang probinsya pagdating sa turismo at agrikultura.

Read more...