LOOK: Mga tent sa Quirino Grandstand COVID-19 Drive-thru Testing Center, inalis muna

MANILA PIO PHOTO

Pansamantalang inalis ang mga tent sa Quirino Grandstand COVID-19 Drive-thru Testing Center, araw ng Miyerkules, October 14.

Ayon sa Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), bahagi ito ng isinagawang precautionary measures kasabay ng nararanasang malakas na hangin at pag-ulan.

Paglilinaw naman ng MDRRMO, tuloy pa rin ang pagsasagawa ng serology testing sa pasilidad.

Sa abiso ng PAGASA, nakararanas ng pag-ulan ang ilang bahagi ng bansa kabilang ang Metro Manila bunsod ng Tropical Depression Ofel.

Read more...