BREAKING: Mga nagpositibo sa COVID-19 sa Pilipinas, nasa 346,536 na

Halos 2,000 muli ang panibagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Miyerkules (October 14), umabot na sa 346,536 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 46,227 ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 1,910 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

84.5 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 10.5 porsyento ang asymptomatic; 1.6 porsyento ang severe habang 3.3 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 78 ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 6,449 ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 579 naman ang gumaling pa sa bansa.

Dahil dito, umakyat na sa 293,860 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...