Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), ito ay bunsod ng Tropical Depression Ofel.
Sa huling datos hanggang 12:00, Miyerkules ng tanghali (October 14), nasa 1,388 pasahero na ang stranded sa mga pantalan sa Southern Tagalog, Bicol, at Eastern Visayas.
Maliban dito, stranded din ang 682 rolling cargoes, 41 vessels, at 19 motorbancas.
Patuloy naman ang 24/7 nationwide monitoring ng PCG Operations Center para sa istriktong implementasyon ng guidelines sa galaw ng mga sasakyang-pandagat.
Nakaalerto rin ang Coast Guard Districts, Stations, at Sub-Stations across sa bansa sakaling magkaroon ng emergency situations, katuwang ang Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC).