Pahayag ito ng Palasyo matapos luwagan ang pagbiyahe ng mga pampublikong sasakyan sa layuning buhayin ang ekonomiya ng bansa na nalugmok dahil sa pandemya sa COVID-19.
Ayon kay Presisential Spokesman Harry Roque, wala kasing prangkisa ang Angkas kung kaya hindi pa makabiyahe.
“Mayroon na pong pinal na desisyon, inindorso na po namin sa Kamara de Representante na kung pupuwede, bigyan. Magpasa uli sila ng resolusyon para magkaroon ng pilot study muli, dahil habang wala pong prangkisa ang Angkas ay wala po talagang legal na basehan. Pero kung hindi pa po maipasa talaga iyong prangkisa nila, kahit resolusyon po ay hiningi na po ng IATF nang makapagsimula po muli na bumiyahe ang Angkas at saka Joyride,” pahayag ni Roque.
Sa halip na isang metro ang distansya ng mga pasaheto sa mga pampublikong sasakyan, ginawa na lamang itong one-seat apart.
Pero ayon kay Roque, kinakailangan pa na magpalabas ng guidelines ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa one-seat-apart policy at kinakailangan na mailathala mula sa Official Gazette.