Itinaas ng PAGASA ang heavy rainfall warning sa ilang lalawigan sa bansa.
Sa inilabas na abiso bandang 2:00, Miyerkules ng hapon (October 14), ito ay dulot pa rin ng Tropical Depression Ofel.
Nakataas ang red warning level sa Camarines Norte.
Dahil dito, sinabi ng weather bureau na inaasahang makararanas ng matinding pagbaha sa mabababang lugar.
Maaari ring magkaroon ng pagguho ng lupa sa mga landslide prone area.
Orange warning naman ang nakataas sa Marinduque habang yellow warning sa Camarines Sur, Romblon at Oriental Mindoro.
Pinayuhan ang publiko at disaster risk reduction and management council na manatiling nakatutok sa lagay ng panahon.
MOST READ
LATEST STORIES