Yellow rainfall warning, nakataas sa Laguna, Batangas at Quezon; NCR, patuloy ding uulanin

Patuloy na nakararanas ng malakas na pag-ulan ang ilang lalawigan sa Luzon.

Sa abiso ng PAGASA bandang 2:00 ng hapon, ito ay bunsod ng Tropical Depression Ofel.

Nakataas ang yellow warning sa Laguna, Batangas at Quezon.

Asahan naman ang mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa Tarlac, Nueva Ecija, Zambales at Pampanga sa susunod na tatlong oras.

Kaparehong lagay ng panahon din ang iiral sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Rizal at Bataan sa susunod na tatlong oras.

Nagbabala ang weather bureau sa posibleng pagbaha sa mabababang bahagi at pagguho ng lupa sa mga mabubundok na bahagi ng mga nasabing lugar.

Inabisuhan ang publiko at disaster risk reduction and management council na maging alerto at tutukan ang pinakahuling lagay ng panahon.

Read more...