Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 20,991 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod hanggang 8:00, Miyerkules ng umaga (October 14).
Ang nasabing bilang ng kaso ay na-validate na ng QCESU at district health offices.
Samantala, nasa 1,969 o katumbas ng siyam porsyento ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.
18,435 total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 587 o tatlong porsyento ang nasawi.
Batay pa sa datos, nasa 19,391 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.
MOST READ
LATEST STORIES