Dalawang construction worker patay, 1 pa sugatan sa aksidente sa ginagawang Subic Freeport Expressway

Dalawang construction worker ang nasawi habang isa pa ang sugatan matapos mabagsakan ng steel girder habang nagtatrabaho sa Subic Freeport Expressway.

Ang naturang proyekto ay bahagi ng expansion para sa North Luzon Expressway (NLEX).

Ayon kay SBMA Chairman and Administrator Wilma Eisma, nangyari ang aksidente kahapon (Oct. 13) ng tanghali.

Bumagsak aniya ang steel framework na bahagi ng superstructure ng ginagawang tulay.

Nabagsakan at naipit ang dalawang manggagawa.

Martes ng gabi nang ma-retrieve ang katawan ng mga biktima.

 

 

 

 

 

 

Read more...