Sa pagpapatuloy ng budget deliberation sa plenaryo ng Kamara, sinabi ni House Appropriations Vice Chairperson at Negros Oriental Rep. Jocelyn Limkaichong na ginamit ang pondo na ayuda sa mga mahihirap na nangangailangan.
Mayroon pang P6.5 Billion na natitira mula sa P10 Billion pondo at ito ay ini-realign para gamitin sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).
Samantala, malaking bahagi naman ng kabuuang budget ng DSWD ay inilaan ng kagawaran sa kanilang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Sa P171.22 Billion na kabuuang budget ng ahensya sa 2020, P113.856 dito ay para sa 4Ps.
Mayroon pa namang natitira na humigit kumulang 350,000 na pamilya ang hindi pa nabibigyan ng ikalawang tranche ng Social Amelioration Program (SAP) mula sa P14.3 Million na pamilyang benepisyaryo dito.