Businessman at dating ambassador Antonio Cabangon-Chua, pumanaw na

Cabangon ChuaPumanaw na sa edad na 81 ang negosyante at dating ambassador na si Antonio Cabangon-Chua.

Ang balita ay kinumpirma ng kaniyang pamilya na naglabas ng opisyal na pahayag. “Please join my family in praying for the peaceful repose of the soul of our beloved father Ambassador Antonio L. Cabangon-Chua today, March 11, 2016,” ayon sa anak ni Chia na si D. Edgard Cabangon.

Si Cabangon-Chua, ay chairman ng Nine Media Corporation at nakabili sa Radio Philippines Network Inc. (RPN-9) noong 2014 na kalaunan ay inilunsad bilang CNN Philippines.

Siya rin ang founder ng Citystate Savings Bank, Fortune Life Insurance Co., Inc., Eternal Plans, Inc., Citystate Properties and Management Corp., at ng Isuzu GenCars Inc.

Nanilbihan bilang ambassador ng Pilipinas sa Laos si Cabangon-Chua sa panahon ng administrasyon ni dating Pangulong Arroyo.

Read more...