Sandiganbayan nagpalabas ng warrant of arrest laban kay Raul Petrasanta

PetrasantaNagpalabas na ang Sandiganbayan ng warrant of arrest laban kay dismissed Police Chief Supt. Raul Petrasanta at 12 pang indibiduwal kaugnay sa pagkawala ng halos 1,000 assault rifles sa Philippine National Police (PNP).

Ayon kay 5th division clerk of court Atty. Teresita Pabulayan ang hakbang ay kasunod ng pagbasura ng korte sa inihain na motion for judicial determination of probable cause ni Petrasanta.

Aniya may nakitang sapat na basehan ang korte para tuluyan nang litisin si Petrasanta at iba pang mga akusado sa patung-patong na kasong katiwalian.

Naging pangunahing akusado si Petrasanta dahil siya ang namumuno sa PNP Firearms and Explosives Office nang mawala sa kanilang kustodiya ang mga assault rifles na sinasabi namang naipagbili sa New Peoples Army (NPA).

Magugunita na mismong si Pangulong Benigno Aquino III pa ang nagbunyag sa anomalya sa kabila ng pagiging malapit umano nilang magkaibigan ni Petrasanta.

Napaulat din na dahil sa kaso ay naapektuhan ang pagtalaga kay Petrasanta bilang hepe ng pambansang pulisya.

Read more...