Ilang kongresista ang umapela sa mga nakalipas na araw na muling buksan aNg plenary debates sa panukalang pondo upang sa gayon ay mabusisi ng husto ang nilalaman nito.
Mahalaga rin aniya na matiyak na wasto ang alokasyon sa iba’t ibang sektor at ahensya ng pamahalaan alinsunod sa itinatakda ng Saligang Batas.
Sa ngayon, mahigit 10 ahensya pa ng pamahalaan ang hindi pa natatalakay ang budget sa plenaryo ng Kamara.
Pero habang tinatalakay sa plenaryo ang budget, sinabi ni Salceda na patuloy na kikilos naman ang small committee na binuo para tumanggap ng amyenda mula sa mga kongresista upang mapapbilis ang approval ng budget.
Target aprubahan sa Biyernes ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang P4.5T 2021 national budget.