Red heavy rainfall warning itinaas ng PAGASA sa Camarines Norte

Dahil sa patuloy na malakas na buhos ng ulan na nararanasan nakataas pa rin ang heavy rainfall warning ng PAGASA sa maraming lugar sa Bicol Region.

Sa inilabas na heavy rainfall warning ng PAGASA alas 11:00 ng umaga ngayong Miyerkules, Oct. 14 ay red warning level na ang umiiral sa Camarines Norte.

Nagbabala ng severe flooding ang PAGASA sa mga flood prone areas at malalapit sa river channels.

Orange warning naman ang nakataas na sa Catanduanes, Camarines Sur, Marinduque at Romblon.

Habang yellow warning level sa Masbate, Albay, at Northern Samar.

Pinapayuhan ng PAGASA ang publiko na mag-antabay sa mga inilalabas na abiso ng weather bureau sa lagay ng panahon.

 

 

 

Read more...