Comelec naghain na ng mosyon para ipela ang SC decision sa voters receipt

Bautista vcmIpinababasura ng Commission on Elections (Comelec) ang petition for mandamus na inihain ni dating senador Richard Gordon at ng Bagumbayan Movement na nag-oobliga sa poll body na gumamit ng voters receipt sa May 9 national elections.

Base sa 13-pahinang motion for reconsideration na inihain ng Comelec sa pamamagitan ni Solicitor General Florin Hilbay sa Korte Suprema, inihihirit din nito na irekonsedira ang naunang 14-0 na desisyon ng Mataas na Hukuman noong March 8.

Humihirit din ang Comelec na payagan silang makapagsagawa ng demonstration sa paggamit ng vote counting machines sa harap ng mga mahistrado sa lalong madaling panahon.

Pero sa pahayag kahapon ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno, binara nito ang Comelec sa mga hirit at sinabihanh atupagin na lamang ang kaso at huwag nag magpatumpik-tumpik pa.

Una nang sinabi ng Comelec na makapagpapatagal sa proseso ng eleksyon kapag maglalabas pa ng resibo ang mga vote counting machines.

Pero sa kabila ng pag-apela, inumpisahan na ng Comelec ang bidding para sa pagbili ng thermal papers na gagamitin sa resibo.

Read more...