Yellow heavy rainfall warning itinaas ng PAGASA sa mga lalawigan sa Mindanao

Nagtaas na rin ng heavy rainfall warning ang PAGASA sa mga lalawigan sa Mindanao.

Sa inilabas na abiso ng PAGASA alas 9:00 ng umaga ngayong October 14, yellow warning ang umiiral sa Surigao del Sur (Bislig, Lingig), Davao Oriental, Davao de Oro, at Davao Occidental.

Mahina hanggang katamtaman na pag-ulan naman ang nararanasan sa nalalabing bahagi ng Surigao del Sur, Agusan del Sur (Trento, Veruela), Davao del Norte, Davao City, Davao del Sur (Hagonoy, Digos, Matanao), Sarangani (Malungon), ay sa South Cotabato (Gen. Santos City, Polomolok, Tupi).

Ayon sa PAGASA ang nararanasang pag-ulan ay dulot ng tropical depression Ofel at ng Habagat.

Pinapayuhan ang mga residente sa mabababang lugar na maging alerto sa posibleng pagbaha.

 

 

 

Read more...