Pahayag ito ng Palasyo ng Malakanyang nang maayos na ang gusot sa pagka-speaker sa pagitan nina Taguig Congressman Alan Peter Cayetano at Marinduque Congressman Lord Allan Velasco.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, naiparating ng malinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang mensahe sa mga kongresista na isantabi muna ang pulitika at atupagin ang pagpasa sa 2021 national budget na aabot sa 4.5 trilyong piso.
Ayon kay Roque, kung hindi pa pinulong ni Pangulong Duterte sina Cayenato at Velasco, maaring humaba pa ang agawan sa puwesto.
Paulit ulit kasi aniya ang paninindigan ni Pangulong Duterte na hindi maaring maantala ang pagpasa sa budget dahil nakasalalay sa pondo ang recovery at rehabilation plan ng gobyerno sa pandemya sa Covid 19.
Ngayong tapos na ang boksing, nagpapasalamat ang Palasyo sa mga Kongresista dahil mapagtutuunan na ng pansin ang budget.