Flood advisory inilabas ng PAGASA sa watercourses ng ilang bahagi ng Metro Manila at Rizal

Nagpalabas ng flood advisory ang PAGASA sa watercourses ng ilang bahagi ng Metro Manila at lalawigan ng Rizal.

Batay sa abiso na inilabas ng Pasig-Marikina-Tullahan Flood Forecasting and Warning Center, sa nakalipas na 12 oras ay umabot na sa 15 hanggang 25 millimeter ang dami ng tubig-ulan na bumuhos.

Sa susunod na 12 oras aasahan pa ang 30 hanggang 60 millimeter na dami ng tubig-ulan na bubuhos.

Kabilang sa maaapektuhan ng pagtaas ng tubig ang sumusunod na watercourses:

– Upper Marikina River na dumadaan sa Rodriguez, San Mateo, Quezon City, Marikina at Pasig.
– Lower Marikina River na dumadaan sa Pasig at Mandaluyong
– Pasig River kabilang ang Pasig, Makati, Mandaluyong at Maynila
– Tullahan River mula Quezon City, Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela

Ayon sa PAGASA ang mga residente na naninirahan malapit sa ilog ay dapat maging alerto sa posibleng pagbaha.

Pinapayuhan din ang local disaster risk reduction and management council ng mga nabanggit na lugar na gumawa na ng mga karampatang hakbang.

 

 

Read more...