Yellow heavy rainfall warning itinaas na ng PAGASA sa mga lalawigan sa Southern Luzon

Nagtaas na ng heavy rainfall warning ang PAGASA sa mga lalawigan sa Southern Luzon.

Sa inilabas na abiso ng PAGASA alas 7:30 ng umaga ngayong October 14, yellow warning ang umiiral sa Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.

Mahina hanggang katamtaman na pag-ulan naman ang mararanasan sa Tarlac, Nueva Ecija, Zambales, Bataan, at Pampanga sa susunod na mga oras.

Habang mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan ang nakaaapekto sa Metro Manila, Bulacan at Cavite.

Ayon sa PAGASA ang nararanasang pag-ulan ay dulot ng tropical depression Ofel.

Pinapayuhan ang mga residente sa mabababang lugar na maging alerto sa posibleng pagbaha.

 

 

Read more...