Sen. Bong Go sa mga kongresista: Isantabi muna ang political at partisan differences

Umapela si Senador Christopher “Bong” Go sa kapwa niya mga mambabatas na isantabi na muna ang aniya’y “political at partisan differences” sa gitna nang kinahaharap na krisis ng bansa dulot ng COVID-19.

Ginawa ni Go ang apela sa gitna nang iringan sa speakership sa Kamara de Representantes.

“As a Senator, I do not want to meddle in the internal affairs of the House of Representatives, such as the selection of its Speaker.” Saad ni Go.

“My only appeal to my fellow legislators, given the health crisis we are still in now, is to set aside political and partisan differences as well as personal ambitions in favor of national interests and the welfare of our people. Let us work together and pass the 2021 national budget on time.” Apela ng senador.

Una nang ikinadismaya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tila pagkaantala ng budget deliberation sa mababang kapulungan dahil sa hidwaan sa pagitan nina Taguig City Rep. Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.

“Huwag niyo naman sana sobrahan ang laro sa Congress na ‘yung budget mismo ang nalalagay sa alanganin,” saad ng pangulo.

“Now you would notice dito sa ating bayan, kung magkaletse-letse, hindi ‘yan sila magtanong kung sino ang may kagagawan o responsable for the mess that we are in right now. Hindi sila magtatanong, wala silang pakialam. Ang maalaala nila, ‘Panahon ni Duterte napakabaho’,” wika pa ni Duterte.

Sabi naman ni Go, “Kailangan na sa January 1, handa na ang aprubadong budget na sapat at angkop sa mga pangangailangan ng bansa ngayon upang tuluyang labanan ang pandemya, pasiglahin ang ekonomiya at tulungang maiahon sa krisis lalo na ang mga pinakamahihirap at pinaka-nangangailangan nating mga kababayan.”

Nakiusap din siya sa mga mambabatas na unahin ang interes ng taumbayan na siyang nagluklok sa kanilang sa puwesto.

“Pakiusap lang, unahin natin ang kapakanan ng mga taong nagluklok satin sa pwesto. Magkaisa na tayo, tsaka na yang pulitika at ambisyon. Gampanan muna natin ang ating trabaho bilang mga mambabatas alang-alang sa bayan at sa kinabukasan ng mga mamamayang Pilipino.” Pahayag ni Go.

Aniya, sa pambansang pondo nakasalalay ang buhay ng mga Filipino kaya’t marapat na huwag hayaan na mismong ang pangulo na ang magresolba ng problema sa Kamara.

Martes ng hapon, Oct. 13 nang tuluyan nang magbitiw sa pagka-speaker si Cayetano para bigyan daan ang liderato ni Rep. Velasco.

 

 

 

Read more...