Ospital ng Sampaloc nakapagtala ng 100% recovery rate sa mga healthcare worker na apektado ng COVID-19

Nakapagtala ng 100% recovery rate ang mga healthcare workers ng Ospital ng Sampaloc na apektado ng sakit na COVID-19.

Sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno na nangangahulugan itong kahit papaano’y napapaunlad ang COVID-19 response ng Ospital ng Sampaloc lalo na para sa mga medical frontliners nito.

Nagpaabot naman ng pagbati si Moreno kay Ospital ng Sampaloc Director Aileen Lacsamana maging sa mga kawani ng pagamutan dahil sa kanilang dedikasyon sa trabaho.

Umaasa ang alkalde na maipagpapatuloy at mapapataas pa ang recovery rate sa panig naman ng mga pasyente.

 

 

Read more...