Pinalawig pa ng Korte Suprema ang status quo ante order na pumipigil sa paglilitis ng Sandiganbayan 1st division kay dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
Panibagong 60-araw na extension ang inilabas ng SC, na mangangahulugang hindi muna maaring ituloy ng anti-graft court ang paglilitis kay Arroyo sa kinakaharap niyang kasong plunder.
Ito ay may kaugnayan sa umanoy maling paggamit ng P365 million na intelligence funds ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Tatagal ang status quo ante order hanggang April 20, 2016.
Ito na ang ikalawang pagkakataon na pinalawig ng Korte Suprema ang kautusan.
Noong October 20,2015 unang inilabas ang status quo ante at pinalawig noong February 20, 2016.
MOST READ
LATEST STORIES