Antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon nadagdagan sa magdamag

By Mary Rose Cabrales October 14, 2020 - 06:59 AM

Nadagdagan muli ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 183.92 meters alas-6:00 umaga ng Miyerkules (October 14) mas mataas ito sa antas nito kahapon na 183.32 meters.

Bahagyang nadagdagan naman ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 101.06 meters mas mataas sa antas nito kahapon na 101.05 meters habang nabawasan ang antas ng tubig ng La Mesa dam na nasa 79.47 meters mas mababa sa antas nito kahapon na 79.70 meters.

Samantala, ang water level ng Ambuklao, San Roque, Pantabangan at Magat dams ay nadagdagan habang ang antas ng tubig sa Binga at Caliraya dams ay nabawasan.

 

 

 

TAGS: Angat Dam, dam status, Pagasa, water level, Water supply, Angat Dam, dam status, Pagasa, water level, Water supply

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.