Tatlong drug suspect arestado sa Oplan Galugad sa Caloocan

Naaresto ang tatlong lalaki sa ikinasang Oplan Galugad ng mga otoridad sa Camarin, Caloocan.

Ang tatlo ay pawang nahuli sa akto habang nasa kasagsagan ng drug session sa loob ng isang bahay.

Ang mga nadakip ay kinabibilangan ng dalawang construction worker at isang basurero.

Hawak na ngayon ng mga tauhan ng Cadena de Amor Substation ng Caloocan City Police
ang tatlo at mahaharap sa karampatang kaso.

 

 

 

Read more...