Si Guingona ang humiling na harangin ang RCBC branch manager sa paglabas ng bansa

teofisto-guingona-lll1Inamin ni Senador Teofisto Guingona, Chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, na kinausap niya si Justice Secretary Emmanuel Caparas para pigilang makalabas ng bansa si RCBC Jupiter, Makati City branch manager Maia Santos-Deguito.

sa panayam ng Radyo Inquirer kay Guingona, sinabi nito na agad na inatasan ni Caparas ang mga tauhan ng Bureau of Immigration na pababain ng eroplano si Deguito.

Sa ngayon aniya ay kumukuha na si Caparas ng court order para makapagpalabas ng Hold Departure Order laban sa nasabing manager ng bangko.

Si Deguito kasi ay kasama sa mga inimbitahang humarap sa pagdinig ng senado sa March 15 hinggil sa isyu ng money laundering.

Umaasa si Guingona na haharap si Deguito sa nakatakdang hearing ng blue ribbon sa Martes.

Sakay ng Philippine Airlines si Deguito at patungo na sana ng Japan kanina subalit pinababa ito ng eroplano ng mga tauhan ng BI.

 

Read more...