Ayon sa Department of Health Western Visayas Center for Health Development hanggang October 13, umakyat na sa 13,924 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
3,177 sa nasabing bilang ang aktibong kaso ng nakakahawang sakit.
Sinabi nito na 75.92 porsyento ng mga kaso ng COVID-19 ay asymptomatic o walang nararanasang sintomas.
366 naman ang gumaling pa kaya 10,411 na ang total recoveries sa Western Visayas.
Umabot naman sa 336 ang bilang ng nasawi sa rehiyon dahil sa nakakahawang sakit.
MOST READ
LATEST STORIES