14 pang residente sa Navotas City, naka-recover sa COVID-19

Nasa 10 ang bilang ng mga nagpositibo pa sa COVID-19 sa Navotas City.

Sa huling datos hanggang 6:00, Martes ng gabi (October 13), umakyat na sa kabuuang 5,024 ang mga tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 133 ang aktibong kaso o katumbas ng 2.6 porsyento.

14 naman ang gumaling pang residente sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 4,747 na ang total recoveries o 94.5 porsyento ng kabuuang naitalang kaso sa lungsod.

Nanatili muli sa 144 ang pumanaw o 2.9 porsyento.

Read more...