Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Martes ng gabi (October 13), 6,498 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.
Sa nasabing bilang, 750 ang aktibo pang kaso.
62 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, 5,728 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.
Walang pulis ang napaulat na nasawi dahil sa COVID-19.
Bunsod nito. 20 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.
MOST READ
LATEST STORIES