Ito ay base sa inilabas na datos ng Department of Education (DepEd) bandang 8:00, Martes ng umaga (October 13).
Ayon sa DepEd, tinatayang 24,892,492 na ang bilang ng enrollees sa bansa.
Katumbas ito ng 89.63 porsyento ng enrollees noong School Year 2019-2020.
Sa nasabing bilang, 22,642,639 mag-aaral ang nag-enroll sa mga pampublikong paaralan habang 2,193,998 naman ang nasa private schools.
Karamihan sa naitalang kabuuang bilang ng enrollees ay elementarya students na nasa 11,903,628.
Umabot naman sa 7,869,306 ang mga nakapag-enroll sa Junior High School at 2,861,131 sa Senior High School.
Nasa 1,782,101 na mag-aaral ang nag-enroll sa Kindergarten habang 403,729 sa Alternative Learning System.
72,597 naman ang learner with disabilities (non-graded) na nakapag-enroll.