Inanunsiyo ni San Miguel Corporation (SMC) president and chief operating officer Ramon Ang na kumpleto na ang konstruksyon ng 17.93-km stretch ng Skyway 3 project.
“I’m happy to announce that the whole structure of Skyway 3 is now complete. With this, Skyway 2 in Buendia is now officially extended all the way to the North Luzon Expressway. After many challenges this project faced in previous years, the dream of connecting north and south and providing an alternative to EDSA is now a reality,” pahayag ni Ang.
Ang naturang proyekto ang magkokonekta sa Southern at Northern Luzon seamlessly.
Mas maagang natapos ang proyekto sa orihinal nitong schedule na October 31.
Sa pamamagitan ng Skyway 3, aabutin na lamang ng 20 minuto ang biyahe mula SLEX patungong NLEX, mula sa dating tatlong oras na biyahe.
Kung galing namang Magallanes at patungong Balintawak, magiging 15 minuto na lamang ang travel time, gayundin kung mula Balintawak papuntang NAIA.
Mula naman sa Valenzuela, 10 minuto na lang ang biyahe papuntang Makati.
Ngunit, sinabi ni Ang na hindi pa maaaring buksan ang expressway sa publiko dahil sa gagawing finishing works tulad ng proper curing ng aspalto.
“We’re very excited to open Skyway 3 to the public. We just have to wait for the weather to improve so we can make sure that the asphalt will cure properly. That and a few more finishing touches are all that’s needed, and then we can open, soon,” paliwanag nito.
Simula nang gumaan ang COVID-19 restrictions sa kalagitnaan ng Mayo hanggang Hunyo, ani Ang, nagdoble ang kanilang trabaho upang maiwasan ang pagkaantala ng proyekto.
Maliban sa Skyway 3, target ding matapos ng kumpanya ang northbound section ng Skyway Extension kung saan magkakaroon ng karagdagang lanes at magkokonekta sa South Luzon Expressway sa Skyway malapit sa Susanna Heights at Muntinlupa-Cavite Expressway sa December 2020.
Nangako si Ang na tuloy pa rin ang konstruksyon ng major infrastructure projects sa kabila ng economic slowdown bunsod ng COVID-19 pandemic.