Inaprubahan na ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) ang cashless public transportation system sa Subic Freeport.
Ayon kay SBMA Chairman at Administrator Wilma Eisma, nagbigay na sila ng ‘go-signal’ sa Autokid Truck Solutions para bumuo ng linya ng public utility buses na magkakaroon ng automated fare collection system (AFCS) at susunod sa social-distancing rules.
“With this, we can minimize the dangers of virus transmission, thus creating a better environment for workers, residents and visitors in the Subic Freeport,” pahayag ni Eisma.
Ayon naman kay Autokid Subic Trading Corporation CEO Kevin McHale Yao, makakabigay ang proyekto ng environment-friendly, ligtas at komportableng transportasyon sa publiko.
“Public transportation services (PTS) is a vital part of modern urban economies. An efficient PTS encourages passengers to use public services instead of private vehicles,” Yao said.
Makatutulong din aniya ito upang mabawasan ang pagsisikip sa trapiko, air at noise pollution, at accident rate sa mga lungsod.
Sa bagong sistema, gagamitin na ng mga pasahero ang loadable payment cards upang hindi na magdala ng cash para sa kanilang bus fare.
Ipinanukala ng kumpanya ang tatlong ruta ng bus sa Central Business District ng Subic.
Kabilang dito ang mga sumusunod:
– Mula Kalaklan Terminal hanggang Main Gate Terminal at vice versa
– Mula Main Gate Terminal hanggang Royal Duty Free at vice versa
– Mula Main Gate Terminal to Kalaklan to Royal Duty Free to Main Gate.
Nasa P25 ang pamasahe kada tao sa unang dalawang ruta habang P30 naman sa ikatlong ruta.
Tinatalakay na ng SBMA at ng kumpanya ang dry-run ng mga ruta.