Bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Marikina, 2,712 na

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa Coronavirus Disease o COVID-19 sa Lungsod ng Marikina.

Base huling datos mula sa Marikina PIO Facebook page (3:00 PM, Martes, October 13) pumalo na sa 2,712 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa virus.

Sa nasabing bilang, 242 ang active cases.

Ang bilang naman ng COVID-19 related deaths sa lungsod ay 71 na.

Ang bilang ng naka-recover o gumaling na sa sakit ay nasa 2,399 na.

Read more...