Panukalang P4.5-T 2021 budget, muling isinalang sa debate sa plenaryo ng Kamara

Muling nagsagawa ng pagtalakay ang Kamara sa pagtalakay sa panukalang P4.5-trillion 2021 national budget.

Ito ay matapos pagbotohan ng mga kongresista na irekonsidera ang terminasyon sa period of interpellation gayundin ang pag-apruba sa ikalawang pagbasa ng House Bill 7727 o 2021 General Appropriations Bill (GAB).

Dahil dito, muling ibinalik ang period of sponsorship and debates sa panukalang pambansang pondo sa susunod na taon.

Unang sumalang sa sponsorship and debate sa plenaryo ang panukalang pondo ng Civil Service Commission (CSC).

Noong nakalipas na linggo ay tinapos na ang period of interpellation and debates kahit marami pang ahensya ang hindi pa naisasalang sa plenaryo matapos ang mosyon ng pinatalsik na si dating Speaker Alan Peter Cayetano.

Kasunod nito, pinagtibay din sa ikalawang pagbasa ang budget at sinuspinde nang maaga ang sesyon ng Kamara.

Read more...