26 pang Filipino abroad, nagpositibo sa COVID-19

Nasa 26 ang bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang October 13, umakyat na sa 11,108 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 80 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 3,128 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

34 naman ang bagong gumaling kung kaya 7,170 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Walo naman ang bagong napaulat na nasawi.

Dahil dito, nasa 810 na ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 7,355 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 1,209 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 810 naman ang kaso sa Americas at 1,734 sa Asia Pacific Region.

Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.

Read more...