Magnitude 4.8 na lindol, yumanig sa Eastern Samar

(UPDATED) Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang Eastern Samar, Martes ng hapon.

Sa earthquake information no. 2 ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 25 kilometers Northeast ng Hernani dakong 2:49 ng hapon.

48 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Bunsod nito, naramdaman ang mga sumusunod na intensity:
Intensity 4:
– Hernani, Eastern Samar

Intensity 3:
– Llorente, Eastern Samar

Intensity 2:
– Catbalogan City
– La Paz, Julita, Dagami, Tanauan, Dulag at Barugo, Leyte

Gayunman, sinabi ng Phivolcs na walang naidulot na pinsala at aftershocks ang pagyanig.

Read more...