Pulong ni Pangulong Duterte kina Cayetano, Velasco “all is well” – Sen. Go

Photo courtesy: Sen. Christopher “Bong” Go

“All is well.”

Ito ang naging pahayag ni Senador Christopher “Bong” Go matapos pulungin, araw ng Martes (October 13), ni Pangulong Rodrigo Duterte sina Taguig Congressman Alan Peter Cayetano at Marinduque Congressman Lord Alan Velasco na una nang nagbangayan sa pagka-Speaker.

Ayon kay Go, parang isang tatay si Pangulong Duterte na kinausap ang kanyang mga anak.

Pinayuhan aniya ng Pangulo sina Velasco at Cayetano na magkaisa at ipasa na ang P4.5 trilyong 2021 national budget.

“All is well. Parang tatay si Tatay Digong kinausap mga anak niya. Pinag-payuhan na mag-kaisa. One majority and pass the budget on time para sa sambayanang Plipino,” pahayag ni Go.

Read more...