P77-M halaga ng ilegal na droga, sinira sa Cebu City

Sinira ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office VII (PDEA RO7), katuwang ang Philippine National Police Regional Office, ang humigit-kumulang P77 milyong halaga ng ilegal na droga at mga expired na gamot sa isang thermal facility ng Cosmopolitan Funeral Homes,Inc. sa Cebu City, araw ng Martes (October 13).

Sinira ang mga kontrabando sa pamamagitan ng thermal destruction.

Nasa kabuuang 12,157.43 gramo ng iba’t ibang piraso ng mga ebidensya kabilang ang shabu, marijuana, ephedrine at nalbuphine hydrochloride o nubain sa Regions 7 t 8.

Sa ulat ng PDEA RO7 Laboratory Service, narito ang mga sinirang ilegal na droga:
– 11,114.01 gramo ng shabu
– 1,008.62 gramo ng marijuana
– 32.80 gramo ng ephedrine
– 2 gramo ng nalbuphine hydrochloride o nubain.

Sinira rin ang expired medicines na nagkakahalaga ng P1.9 milyon.

Ang naturang hakbang ay alinsunod sa itinakdang guidelines sa custody at disposition ng mga nakumpiskang ilegal na droga sa ilalim ng Section 21, Article 2 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na naamyendahan ng Republic Act 10640 at Dangerous Drugs Board Resolution No. 1, Series of 2002.

Isusumite naman ang Certificates of Destruction sa Regional Trial Courts na naglabas ng Court Order bilang patunay na nasira na ang mga drug evidence.

Read more...