Higit 100 LSI, APOR nakauwi na sa Iloilo City

Ligtas na nakarating ang mahigit 100 locally stranded individual (LSI) at authorized person outside residence (APOR) sa Arrastre Pier, Fort San Pedro sa Iloilo City, araw ng Lunes (October 12).

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nagmula ang mga LSI at APOR sa Cebu at Cagayan de Oro.

Katuwang ang PCG sa isinagawang disembarkation protocol at health measures ng mga LSI at APOR sa pantalan.

Siniguro rin ng ahensya na nasunod ang minimum health standard gaya ng physical distancing, at pagsusuot ng face mask at face shield.

Matapos ito, maingat na sinundo ang mga LSI at APOR ng kani-kanilang local government unit upang sumailalim sa mandatory quarantine.

Read more...