Maagang dumating si Yap sa Quezon City Sports Club kung saan magaganap ang pulong ng Velasco wing.
Ayon kay Yap, nagtungo siya roon upang magsagawa ng briefing kaugnay sa panulalang P4.5T 2021 national budget.
Paliwanag ni Yap, kahit naman sino kongresista na humihingi ng budget briefing ay kanyang pinapaunlakan.
Para kay Yap, dalawa ang house speaker sa ngayon.
Kung magkakaroon anya ng kaguluhan at magkaiba ang order nina Speaker Alan Peter Cayetano at Velasco ang gagawin niya ay sumunod sa sinasabi ng pangulo na tapusin ang budget.
Handa anya siya sa anumang scenario at mayroon siyang dalawang option sa budget dahil sa pangyayari pero tiniyak nito na sa October 16 ay maipapasa ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang pondo.
Iginiit din nito na neutral siya at walang pinapanigan kina Cayetano at Velasco.