Korte sa Maynila pinayagan ang political detainee na si Reina Mae Nasino na makabisita sa burol ng kaniyang anak

Pinagbigyan ng korte sa Maynila ang hirit na furlough ng isang political detainee.

Sa desisyon ni Manila RTC Branch 47 Judge Paulino Gallegos, pinapayagan nito si Reina Mae Nasino na makabisita sa burol ng kaniyang three-month-old na anak na si Baby River.

Ito ay kasunod ng ginawang pagdinig ng korte sa very urgent motion na inihain ng National Union of People’s Lawyers na kumatawan kay Nasino.

Si Baby River ay pumanaw sa ospital habang nakakulong ang kaniyang ina.

Hindi napabigyan ng korte ang hirit noon ni Nasino na mabisita sa ospital ang kaniyang anak.

 

 

 

Read more...