Landbank magpapatupad pa ng 60-day grace period sa mga loan

Magpapatupad pa ng panibagong 60 araw na grace period ang Landbank para sa mga existing, current at outstanding loand.

Ayon sa abiso ng Landbank ito ay bilang pagtalima sa Republic Act 11494 o Bayanihan to Recover As One Act.

Lahat ng loan na mayroong due simula September 15, 2020 hanggang December 31, 2020 ay bibigyan ng 60 araw na grace period.

Kung mayroong katanungan o para sa mga dagdag na impormasyon, pinapayuhan ang mga kliyente ng Landbank na bisitahin ang www.landbank.com

 

 

 

Read more...