Water level ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon nadagdagan sa magdamag

Nadagdagan pa ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 183.32 meters alas-6:00 umaga ng Martes (October 13) mas mataas ito sa antas nito kahapon na 181.98 meters.

Nabawasan naman ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 101.05 meters mas mababa sa antas nito kahapon na 101.11 meters habang nabawasan din ang antas ng tubig ng La Mesa dam na nasa 79.70 meters mas mababa sa antas nito kahapon na 79.73 meters.

Samantala, ang water level ng Ambuklao, Binga, San Roque, Pantabangan at Magat dams ay nadagdagan habang ang antas ng tubig sa Caliraya dam ay nabawasan.

 

 

 

 

Read more...