Ayon kay Regional Executive Director Narciso A. Edillo, tatagal ang lockdown hanggang sa Oktubre 16.
Inaprubahan aniya ni DA Secretary William D. Dar ang lockdown matapos na tatlong empleyado ng opisina ang magpositibo sa COVID-19.
Bagaman may lockdown sa opisina ay magkakaroon pa rin ng skeletal force ang tanggapan kaya tuluy-tuloy pa rin ang pagbibigay serbisyo.
Samantala, nakiusap si Edillio sa mga tanggapan, indibidwal o grupo ng mga magsasaka, lokal na pamahalaan at iba pang partido na kung mayroong mga transaksiyon sa DA ay maaaring isumite na lang muna sa e-mail, itawag o itext sa pamunuan.