“Error Watch” binuo ng Deped para tumanggap ng sumbong sa mga mali sa modules

Bumuo ng “Error Watch” ang Department of Education (DepEd) para tumanggap ng mga sumbong sa mga pagkakamali sa modules.

Ayon sa DepEd, ang mga maling makikita sa self-learning modules ay maaring i-report sa “DepEd Error Watch”.

Maaring ipadala ang sumbong sa pamamagitan ng email, text o viber, messenger at workchat.

Maging ang mga pagkakamali na makikita sa DepEd TV at DepEd Commons ay pwede ring ipadala sa kagawaran.

Narito ang mga pwedeng padalhan ng sumbong:

Email – errorwatch@deped.gov.ph
Text – 09616805334
Messenger – DepEd Error Watch
Workchat – DepEd Error Watch

 

 

 

 

Read more...